
Ngayo’y batid mo nang lumalaya ang pag-ibig:
Na kusang hihilain ng sintas ang diaper at gwantes.
Na tatanawin mo ang paglaho ng kanyang backpack sa himig
ng “Good morning, Ma’am. Good morning, classmates.”
Ang bawat pinunit na pahina ng mga sandali
Ay idadamit sa kanyang katawan, tanaw, at isip
Hanggang ang mga uban mo’y maging saksi
Ng kanyang paglimot sa mga unang pabulang narinig
Tuwing makulimlim, noong mga gabi mo’y bihag ng lamig
At ang master suite ay dinadalaw at nililisan ng mga alabok at ipis.
Hindi kita masisisi kung sa huli naming pagpanhik
Ay di ka bibitaw sa kanyang mga bisig at ang titig sa aki’y
Nagbabanta ng mga tanong, nagmamaliw na pananalig.
Ngunit di lahat ng dahon ng pinto’y sa dilim humahalik,
At ang pulot-gata’y may hatid ding dugo sa bed sheet.
Hahandusay ka, at makikipag-duet sa soap opera;
Kami’y tatahak sa garaheng nakaabang sa patak ng langit
At durungaw ka’t ngingiti sa lumalagas na kalatsutsi
Pagkat ngayo’y batid mo nang lumalaya ang pag-ibig.●
Now you know that love is free:
That shoe laces deliberately pull the diaper and the gloves.
That you will watch her fading backpack to the tune
of “Good morning, Maam. Good morning, classmates.”
Every peeled page of time
Will be clothed to her body, vision, and thoughts
Until your grey hairs are witnesses
to her oblivion of the first fables she heard
When it was dark, when your nights were slaves of cold
And dusts and cockroaches were visiting and leaving the master suite.
I can’t blame you if in our last entrance
You wouldn’t release her hands, and your stare at me
threatens me with questions, fading faith.
But not every door leaf kisses the dark,
And a honeymoon, too, stains the bed sheet with blood.
You would lay, and sing with the soap opera;
We would stride along the driveway that awaits for the heaven’s drops
And you would look out smiling at the frangipani tree
For now you know that love is free.●
[Photo from www.wvs.topleftpixel.com]
Further reading
The Poetry of Politics / The Politics of Poetry: Cirilo Bautista’s Believe and Betray – Ida Anita Q. del Mundo
ang pagka-intindi ko sa tula ay nagpapaunawa sa mga ina na panahon na para ibigay ang pag-aalaga sa anak sa napili nitong kabiyak.
ganun ba yon? o may malalim pang kahulugan ang tulang ito?
Medyo lumalalim ang pandama mo Neil.
Nagkakaroon ng emosyong sumusundot sa aking kamalayan. Nais akong ihatid sa pagtunganga upang makisabay ako sa pagpapalayang iyong binibitawan sa pamamagitan ng kataga.
Isang pusong nagpipigil sa una pero hindi pa rin mapipigilan ang pag-alagwa ng bagong usbong na pagsinta dahil lumalaya nga ang pag-ibig.
magandang tula,
ikaw ba ang may katha?
malalim na damdamin,
naiwan sa akin.
nakikiraan iyong lingkod,
kahit masakit na ang likod,
bumabati ng magandang hapon,
para sa magaling na hamon.
Maganda ang tula. Sa sobrang lalim hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang ibig mong ipahiwatig. Musta Neil?
ANG LALIM DI KO MAHUGOT ANG TUNAY NA KAHULUGAN… PERO ANG GALING KASI MAY TAGALOG AT ENGLISH VERSION PA