Libog ng Sikmura

pleasedontkillme©neildalanon

Si Blueguard ang ikalawa kong alagang aso. Kulay puti si Bluegard. May pagkaasul ang kanyang mga mata. Lagi ko siyang kalaro pagkagaling ko noon sa eskwela. Aspin o asong Pinoy si Blueguard, at kung tutuusi’y walang halaga. Binigay lang kasi siya ng aking Ninong noong kaarawan ko. Tira-tira lang din sa aming hapag ang kanyang kinakain. Ang naaalala kong tanging pagkakataong ginastusan siya ay noong pabilhan ko siya ng flea powder kay Mama, at noong bilhan siya ng aking pinsan ng mga rekados at paminta para gawing asocena.

Taong 2001 ito nangyari sa Masbate, pero kapag umuuwi ako, madalas pa rin akong makarinig ng mga alulong ng asong kinakatay upang gawing pulutan. Ayon sa Dog Meat Trade, kapiranggot na bahagi lamang ito ng may 500,000 asong ginagawang asocena taun-taon sa Pilipinas. Sinasabing nag-ugat ang tradisyon ng pagkain ng aso sa Benguet kung saan iniaalay ang aso sa diyos tuwing nagdaraos ng canao bilang pagbabasbas sa kasal, patay, o anihan. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang pagkaing iniaalay sa diyos ay makikita na nating pinagpipiyestahan sa hapag ng mga lasenggo sa gilid ng kalye. Karaniwan ding may mga paslit na makikidukot sa laman ni Bantay na nasa mangko. Sa Baguio, Pampanga, Laguna, Iloilo at iba pang lugar sa Kabisayaan (kabilang ang probinsya namin) ang may pinakatalamak na buffet ng mga Bantay, Blackie, Blueguard, atbp.

May isang magandang sanaysay na sinulat si Gloria Melencio tungkol sa paraan ng pagluto ng asocena. Aniya,

1. Siluin ang leeg ng nabiglang aso. Higitin itong mabilisan upang di makaiyak. Busalan ang bibig upang di makakagat. Ihagis sa nag-aabang na sasakyan kung ninakaw ito. Tumakas agad para di mahuli. Isilid naman sa sako kung binili ito sa kalapit-barangay. Pasanin sa likod.

2. Kapag nasa katayan na, itali ang aso sa poste. Huwag pansinin ang palahaw, alulong at iyak nito. Hatawin sa ulo ng dos por dos na may pako sa dulo. Gawing paulit-paulit ito hanggang  mangisay ang aso.

3. Kapag wala nang malay, ibitin ito patiwarik. Laslasin ang leeg. Itapat ang planggana sa ilalim upang sahurin ang dugo. Lagyan ito ng asin at bigas upang mamuo. “Kung kulay itim ang aso, direktang isahod ang bibig sa umaagos na sariwang dugo nito upang mainom. Nakagagaling ito sa tuberculosis.”

4. Kapag said na ang dugo. Sunugin ang balahibo nito sa pamamagitan ng suplete (flame thrower).

5. Ahitang mabuti hanggang sa lumabas ang kulay puti nitong balat. Ibaba sa pagkakabitin at tadtarin. Hugasan.

6. Ilagay sa kawa at pakuluan sa maraming suka sa loob ng isang oras upang mamatay ang mikrobyo at malansang amoy. Lagyan ng asin at konting tubig. Huwag haluin upang di mahilaw ang suka.

7. Hinaan ang apoy. Haluan ang pinakuluang karne ng aso ng patatas, toyo, at maraming paminta. Haluing mabuti. Hintaying maluto ang patatas.

8. Lagyan ng tomato sauce, tomato paste, garbanzos, green peas at maraming laurel.

9. Ihaing may kasamang maraming beer.

Bukod sa diumano’y pagiging gamot sa TB, ang karne ng aso ay maigi ring aphrodisiac o pampalibog. Wala itong pinagkaiba sa bayawak at palakang-bukid na tila Viagra kung magpahumindig sa mga natutulog na pandama ni Mister. Bawal naman daw ang pagkain ng aso ayon sa RA 8485 (o Philippine Animal Welfare Act) pero, huwag ka, may mga mayor at pulis na ito ang pulutan.


Further reading

Comparative Evaluation of Three Methods of Acupuncture Combined with Xylazine-Ketamine-Induced Anesthesia in Dogs Subjected to Ovariohysterectomy – Cristina E. Torres

About these ads

12 thoughts on “Libog ng Sikmura

  1. beeftapa

    mga second week ng september nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Tambobong, isang liblib na beach/barangay sa Dasol, Pangasinan. Nung nalaman nila na Ilocano ang angkan ko, inalok nila ko ng tanghalian nilang asozena. sinagot ko na lang sila ng matipid na ngiti at magalang na pag-iling.

    Tugon
  2. WP

    Mas gusto ko ang pusa kesa sa aso na alagaan. Hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawa iyon sa kanilang mga alaga na matapos nilang mahalin at arugain ay saka uulamin. Sad :(

    Tugon
  3. J. Kulisap

    Naku mag-uugat na naman ito sa kahirapan. Kaya ganito na lamang. Totoo ang isinulat ni Gloria Melencio.

    Kapag mga eksotik na pagkain, laging ikinakabit sa pag-iinit. Nakakalalake eh.

    Sige nga ano pa bukod sa aso?

    Tugon
  4. livingstain

    ang sakit namang basahin nyan pero ganon talaga ang paraan ng pagpatay sa aso, tandang tanda ko nung makita ng dalawang mata ko kung papano pinatay ang alaga kong aso, sobrang sakit sa loob talaga.

    ngayon ung aso namin na askal, nabasag ang ilong, malamang sa pinalo yun sa ulo pero hindi napuruhan, sobrang nakakaawa sya ngayon, hindi maayos ang pag hinga, gusto ko na nga sanang ipapatay pero sabi ni dad wag na daw.

    Tugon
  5. Will Lee

    Wow, amazing post, I was thinking how to do that. and found across your site by bing, lots of nice info here, now that I’ve got a good idea. I’ve bookmarked your web page and also added rss. Please take a look at my site: dating sites and please keep me updated about your site :-), thanks!….

    Tugon
  6. cheesecake

    ang alam ko noong bata pa ako nakakakain ako neto.

    pero noong nagkaisip na ako, kapag natikman ko ang isang luto gaya nito (na inihain sa iyo na hindi mo alam kung ano) tikim pa lang nasusuka na ako. lalo na kung alam kong asusena ang nakahaing pulutan, hindi ko talaga maatim na kumain.

    nakakarimarim.

    Tugon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s