Mga Marka
paano magtext ang pinoy, philippines text capital in the world, text message ng pilipino, text messaging sa pilipinas
Alam mong Pilipino ang nagtext sa’yo kapag ang message niya ay alinman sa mga sumusunod:
1. Ma-cheesy. Mabilis kiligin ang mga Pilipino kapag nakakatanggap ng romantic messages mula sa kanilang mga mahal sa buhay, kahit pa alam nilang ito’y kinopya lang sa internet o kaya’y forwarded.
2. Joke. Mga celebrity rito sina Erap, Inday, at Mother Dionisia, pati na rin ang mga La Sallista. Mula sa lantarang berde at may double meaning, hanggang sa panunudyo sa pagkatao ng kapwa- tao, ang mga mensaheng ito ay nagpapakiliti (at nagpapaasar din) sa mga mambabasa.
3. Nananakot. Maganda sana ang unang bahagi ng mga mensaheng ganito dahil ukol sa Diyos, himala, at magandang kapalaran. Pero pagdating sa dulo, tatakutin ka na: kung hindi mo raw ipadala sa sampu o dalawampung tao ang mensaheng kababasa mo lang, aba’y mamalasin ka sa loob ng limang minuto.
4. Scam. May nagtext na ba sa’yo na isang attorney umano at sinasabing nanalo ang iyong cell phone number ng limandaang libong piso sa PCSO? Kapani-paniwala sana ito kung hindi lang kaduda-duda ang bali-baliko niyang pag-i-Ingles. May isa pang modus na magpapakilalang siya si Jane o Jayson—malamang may kilala kang Jane o Jayson—at sasabihing nasa ospital siya at i-load mo siya ng isandaan.
5. Jejemon. kLAnGan pHa pOh BhAnG XpLaYn tOh?!
6. Shortcut. ‘Wag kang magagalit sa anak mo kapag tinext ka niya ng LOL na nangangahulugang laughing out loud. Syempre’y classic na ang “hu u,” “wer na u,”” at “d2 na me.”
7. May emoticon. Resourceful ang mga Pilipino sa pag-express ng
:-{ ,-) @};--- <(-'.'-)> Noong uso pa ang 3310, usung-uso rin ang text na may nagbi-blink na Hello Kitty at “Have a nice day!”
8. Forecast. Usung-uso ito kapag may paparating na kalamidad (o kung may matinding kalamidad sa ibang bansa at may nagtitrip manakot na susunod na ang Pinas), kapag naglunsad ang mga ralista ng martsa sa EDSA upang pababain ang pangulo sa kanyang puwesto, o kapag walang pasok sa eskwela at nagkayayaang mag-SM ang magbabarkada.
9. May alias. Ito kumbaga ang signature na bumubuntot sa group message (GM) ng sender. Hindi ito kinakailangang totoong pangalan. Madalas na may description ito ng pagkatao ng sender at may kaparis na emoticon. Parang ganito:
++gM++
nHeiL, ‘d hEaRTbREAk3r B-)
10. Promo. Nangunguna dito ang mga network service provider na nag-eengganyo sa’yong sumali sa kanilang quiz o poll para ikaw ay makakuha ng premyo. Syempre’y dapat pakatandaan ang format kung paano mag-register. Name, space, address, space, age, and send to….
Ikaw, ano ang text mo?
Alam mo na si Kuli ang nagtext dahil madalas buo ang mga salita.
Sampol:
Totoo ba na ipapapahayag na ni Dino ang kaniyang damdamin kay Dina? Kung gayon, matutuwa ako sa kanilang kapalaran. Si Jkulisap ito.
Kamusta na Neil?
sapul na ang dapat masapul… oo nakatanggap na ako ng scam message pero ang modus operandi nya ay kamag-anak siya at dpat ko siyang padalhan ng load na ibebenta nya ng mahal.
booh sa kanila!
Isama niyo na rin yong bekemon dito…