Kelan lang, naiisip kong gumawa ng bagong blog. Ilang araw kong pinag-isipan kung anong uri ng blog ang aking gagawin. Dapat kasi’y may stable goal sa pagba-blog. Pinakaayaw ko ‘yong magba-blog ang isang tao para lang ipagmayabang ang kanyang sarili (gaya ng ikinatatakot kong kahinatnan ng blog ko ngayon). Marami pang aspektong kailangang timbangin: Sa ano’ng wika isusulat? Sino ang audience? Ano’ng blogging host ang gagamitin? Kaya ko bang i-sustain ang site ranking? At ‘yong pinakaimportante sa lahat, ano ang lalamanin ng blog na ito?
Sa pinakahuling tanong, may contenders na ako. Niluluto pa nga lang sa samu’t saring pagmumuni-muni at pag-aalinlangan.
- Techie blog. Gumawa na ako ng techie blog noong 2010, ang From Manual to Digital na tungkol sa educational technology, ngunit dahil limitado ang kakayahan ng WordPress (unless mag-avail ka ng kanilang paid service) para magbigay ng isang mukhang techie na blog template, maski ako’y hindi natuwa sa naging kalabasan. Kung modification ng itsura ng blog ang pag-uusapan, nangunguna ang Blogger dahil sa pagkarami-raming libreng template sa internet na puwedeng gamitin ng mga blogger.
- Truly-Pinoy blog. Inspired ito ng Ang Pinaka, ang paborito kong magazine show sa Philippine TV, na linggo-linggo ay naglilista ng sampung pinaka sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan, gaya ng mga pinakakontrobersyal na gusali sa Pilipinas, mga pinakanakakatakot na lugar sa Maynila, mga pinakamatagumpay na artistang entrepreneur, atbp. Ang balak ko ay gumawa ng listahan sa mas malawak at mas maraming larangan, mula sa kasaysayan, edukasyon, at teknolohiya. At dahil Pinoy blog, isusulat ito sa wikang Filipino.
- Eco-blog. Ang nature-friendly na blog na ito ay magsisilbing lunsaran ng mga impormasyon, pangyayari, at teknolohiyang makakalikasan. Earth warrior din kasi ako, at ang aking plataporma ay puwede namang umunlad ang tao nang hindi nasisira ang kalikasan. Bilang responsableng “tagapagbantay” ng daigdig, responsibilidad nating pangalagaan ang kalikasan. At naniniwala akong malaki ang magagawa ng isang nature-friendly na blog para mailigtas ang Inang Kalikasan mula sa tuluyan nitong pagkawasak.
- Writing blog. Nag-aral ako sa college upang maging manunulat, pero hanggang ngayo’y alam kong kulang pa rin ang aking mga pinag-aralan para tawagin akong manunulat. May proseso kasi iyon, at gaya nga ng gasgas na kasabihan, hindi tayo magiging mahusay kung aasa lamang sa ituturo ng ating mga titser at propesor. Kailangan nating magbasa nang magbasa, sumulat nang sumulat, magsaliksik nang magsaliksik. Kailangan nating mag-isip out of the box. Ang blog na ito ay magsisilbing journal ng aking mga karanasan, pakikibaka, pagkakamali, at tagumpay sa pagsusulat, na ibabahagi ko sa sa mga mambabasa na may balak ding sumuong sa masalimuot na mundo ng pagsusulat. Sabi ni Picasso, isa sa mga bagay na dapat mong gawin bago ka mamatay ay ang pagsulat ng isang libro. Sa ngayon, malabo pang makakapagsulat at makapagpublish ako ng libro kaya magba-blog na lang muna ako.
- Photo blog. Usong-uso ito ngayong nag-boom ang DSLR industry. Kapatid din ito ng fashion blog at travel blog na nakaangkla sa paggamit ng modernong kamera at photography tecniques para magbahagi ng kakaibang kuwento sa pamamagitan ng mahuhusay na litrato. Marami pa akong kakaining bigas (at titipiring bigas) para mabili ko ang aking magiging armas, ang Sony SLT-A33. Ang plano ay ganito: ang blog na ito ay magiging saksi ng buhay ng isang amateur photographer (ako syempre) mula sa lusak patungo sa National Geographic. (Nangangarap lang po.)
Iyan ang listahan ko. Alin kaya ang papatok?
Ako hindi ko kayang magmaintain ng maraming blogsites.
Kaya ‘yong Kayumangging Damdamin, ay parang tindahan lang. Sari-sari.
Gudlak naman diyan.
pareho tayo na gusto ANG PINAKA. iyon nga lang hindi ko na napapanood dahil sa ilang kadahilanan.
sa pagpili ng klaseng ng lalamanin ng blog na nais mong buksan. boto ako sa truly pinoy at writing blog.
1. when it comes to competition dehado ka sa tech at photo blog dahil sa dami na nung gumagawa nyan. well unless talagang feeling mo kaya mo at gusto mo. gogogo!
2. ang truly pinoy blog ay less famous sa lahat pero unique. so far naman marami akong nakikitang Pinoy blog na mataas ang google at alexa rankings.
3. yung eco blog okay din naman. depende sa klase at paano mo sasabihin ang mga ideya mo.
4. sa writing blog, mas ma-e-explore mo yung passion mo sa writing. nakapag-share ka at mapa-practice mo na rin.
salamat, hitokirihoshi!
Nahirapan ako sa pag-spell ng pangalan mo ha?!
kasama sa writing training yan. lol!
I go for PINAKA at WRITING BLOG.
.
.
Yung PINAKA kasi mukhang aliw. Pwedeng-pwedeng gawing komedya. Pwede rin namang seryosong listahan ng mga kung anu-anong PINAKA ;D
hay naku ganyan din ako litong lito kung ano ba magandang gamitin na salita anu ba magnadang topic etc …kaya eto ako nagpakarandom na lang hehe:D
Fave ko din and Pinaka!:D
Masaya ring magpakarandom. Malaya ka.
nice one neil:P ..heheheh kc naman un iba talaga e nagyyabang lang sa blog..and lately i found out that some bloggers make money with their blogs(nah i dont blve it lang),
**i love ANG PINAKA..dahil pinoy na pinoy, fearless funny (at cute host..i like rovilson!!!)sapul na sapul lahat ng detalye.. its like the philippine version of lifestyle channel’s 100 most/etc..sana naman ang philippine tv e mag produce pa ng shows like it..unique,pinoy na pinoy, hindi puro popularity at text votes lang ang inaatupag, sana next time..ang goal nla is nt about makin money but making quality shows very everbody
Very nice insight!
Naks, ang daming prospect para sa new blog. I say, mag-blog ka kung ano sa tingin mo ang mai-enjoy mong i-blog nang tulu-tuloy. Para kasi sa akin, catharsis ko ang blog ko eh. Kung ano lang maisip ko. Kung si Jkulisap ay sari-sari store ang blog niya, ako naman chopsuey hahaha!
Good luck sa pagpili ng gagawing bagong blog.
gusto ko ung “stable goal sa pagba-blog”. i agree. mahirap maglagay ng nilalaman kung sa una pa lang hindi mo alam kung para saan yung blog mo. gudluck syo. ^_^
Pingback: Mungkahi, payo, violent reaction, atbp. « Kape at Kuwento
Truly-Pinoy blog, writing and photoblog.