Baka ho may maibigay kayong payo, mungkahi, o violent reaksiyon (sana’y wala) sa unang batch ng listahang gagawin ko. Para po ito sa niluluto kong blog na ukol sa kulturang Pinoy.
1. Mga patapong bagay o basura na puwedeng i-recycle.
2. Mga teknik ng mga Pilipinong estudyante sa pangongopya tuwing eksam.
3. Mga nilalang na bida sa mitolohiyang Pilipino.
4. Mga bayaning Pilipinong hindi batid ng karamihan.
Salamat!
Mukhang masaya iyong mga teknik ng estudyante sa pangongopya. Pero, kung gagawin mo itong blog, baka hindi ma-sustain ng matagal. Mas maganda siguro kung buhay ng isang kolehiyo. O di kaya naman ay hayskul. Papasok na roon, mas malamang kaysa hindi, ang mga teknik ng pagkopya.
@ako lang, ang bagong blogsite kasi na tinutukoy ko ay inspired ng TV show na Ang Pinaka. magka-countdown ako ng sampung bagay, tao, events, etc. na tungkol sa kulturang pinoy. halimbawa, ang isang post ay may pamagat na Sampung Pinakapatok na Teknik sa Pangongopya sa Klase, or Sampung Pinakanakakatakot na Nilalang sa Mitolohiyang Pilipino.
salamat sa payo!
sakop din ba ng kultura natin yung sa ilang proyekto ng sangay ng gobyerno. inumpisahan, ginastusan at di napakinabangan?
sali mo na din yan!