Mga Marka
Tikatik ang ulan, at maputik ang kalsada
Sa ilalim ng LRT-Baclaran.
Humihikab ang tinderang nakabandana.
Nabuburyo ang tsuper ng dyipning
Hindi makasalisi sa mapuputik na paang
Paroo’t parito sa mga umpukan sa bangketa.
May marusing na sanggol na karga ng lolang
Nag-aabot ng bukas na palad
Sa bawat mukhang makaharap.
May pusang sumisimot sa supot ng pansit
Na iniwan ng pulis para bumili ng sopdrink.
May mag-asawang nagbubulyawan.
May dalawang batang naghahabulan.
May saleslady na napaduwal.
May orange na gumulong papunta sa kanal.
Sa bintana ng isang motel, hayun,
May dalawang aninong nililindol
Ng tsug-tsug-tsug ng papalapit na tren.
Walang maliw ang dagundong ng mga ispiker.
Walang humpay ang patay-sindi ng christmas lights.
Walang hinto ang ihip ng Amihan.
Walang sawang pumupulupot sa ere
Ang amoy ng burak,
Halo-halong pabango,
Halitosis, at
Hinog na ubas.

Hi Looking for new online cockfight betting? Here’s a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don’t just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP! http://www.sabongking.com