Multu-multuhan sa Opis

I.
Dito sa gilid ng aming opisina, mayroong malawak na bintanang nakatapat sa daanan ng MRT, malapit sa akin. Oo, may blinds ang bintana, pero maaaninag mo pa rin ang labas. Kaya lahat ng treng dumaraan sa EDSA, pwede kong bilangin.
Minsan, kapag subsob na subsob ako sa trabaho (‘yong tipong hindi ka na halos maistorbo ng sinuman o anumang nakapaligid sa’yo), bigla na lang, may hihintong tren sa tapat mismo ng aming bintana. Hindi iyon madalas mangyari dahil may kalayuan pa naman ang istasyon. Aakalain mo talagang multo ‘yong tren kapag hindi mo agad kinumpirma ang aninong nasa iyong peripheral vision. Lilingon ka. Mapapangiti ka dahil sa kawirduhang naisip mong ang tren ay puwedeng maging multo. O dahil wirdo lang talaga ang biglang paghinto ng tren sa gitna ng kawalan.

II.
Pagkababa ko sa istasyong Quezon Avenue, tinatawid ko ang footbride sa gitna ng EDSA para marating ang aming opisina. Kanina, may napansin akong dalawang aling nakatayo sa gitna ng footbridge. Seryosong seryosong nakatingin sa mga sasakyang dumaraan sa kahabaan ng kalsada. ‘Yong isa ale, sa kabilang lane nakamasid. ‘Yong isa, sa kabila naman. Hindi pa sana mawawala ang kunot sa aking noo kung hindi ko napansin ang counting device na kanilang hawak-hawak.
Para silang mga Diyos sa kanilang simpleng ginagawa, naisip ko. Pagkalipas ng ilang oras, irereport nila sa kung anumang ahensiyang nag-utos sa kanila kung ilan ang mga sasakyang dumaan sa EDSA. At sila lang ang nakaaalam. Wala nang ibang makapagsasabi. Sila lang ang nakamasid mula sa itaas.

3.
May sira raw ang aircon sa aming opisina. Kapag binabaan mo, sobrang init. Kapag pinataasan naman, sobrang lamig. Natatawa kami. Idadaan na lang sa makapal na jacket kapag napagdesisyunang i-steady sa malamig. Jacket na paulit-ulit ginagamit. Parang buhay lang: hindi mo makokontrol. Minsa’y sobra, minsa’y kulang. Ang masarap do’n, nakagugulat. Lalo pa kung mahilig ka sa adventure. Parang mga sunud-sunod na eksena sa MTV- may variation ng haba, liwanag, nilalaman. ‘Yon ay kung ayaw mo sa monotony.
‘Yong aircon nga namin, minsan pinahinaan ng isang kaopisina… hayun, bigla kaming pinagpawisan. Tapos, sasaklolo naman ang isa pang kaopisina. Instant freezer ang dating maya-maya.

Advertisements

2 thoughts on “Multu-multuhan sa Opis

  1. Nakaka-aliw talaga ang malikhain mong mga gawa, Neil. Araw-araw nakakasabik bumisita sa blog mo para mabasa ang mga bago mong ilalathala.

    “ang aircon nga naman sa ating opisina” kakaiba ngang talaga.

    Like

  2. Ser, would you like to join our new horror Story? Just Send your story to my blog. kwentongnakaraan.wordpress.com…
    Bb. Shine your invited to… Visit us now and read the instruction on how.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s