Ang Tao sa Loob ng Baul

Malakas ang loob kong mag-overtime sa opisina dahil dalawang gabi akong nakatira sa PPSTA (Philippine Public Schools Teachers Association) Dorm sa Banawe kung saan panasamantalang nanuluyan ang lumuwas kong ama. Madalas itong tuluyan ng mga gurong nagse-seminar sa Maynila. Pero puwede rin sa mga personal na sadya.

“Ang daya mo ah,” komento ng kaopisina kong si Lian noong naghiwalay na ang mga landas namin sa hagdan ng MRT. Wala na kasi siyang kasabay sa pag-akyat.

Ang bayad sa dorm ay akma sa mga taong manipis ang pitaka. P150 ang isang gabi para sa mga miyembrong gaya ng aking ama at P230 naman para sa tulad kong di miyembro. Oo, aircon sa loob. Malaya’t malayo ka sa usok at ingay ng Banawe St. at Quezon Avenue. ‘Yon nga lang, pagtiyagaan mo ang langitngit ng apat na double deck sa bawat pagbaling habang natutulog at, siyempre, pagpasensiyahan mo na rin ang ugong ng lumang modelo ng aircon.

Kagabi, sa ikalawa’t huling gabi ko sa dorm, may bago kaming kasama sa kuwarto. Naalala ko ang artistang si Berting Labra pagkakita sa panauhin. Nasa sisenta siya sa tantya ko at may tangkad na hindi umabot ng limang talampakan. Nakabuntot sa kanya si Manong Guard na dala-dala ang kanyang baul. Baul, hindi maleta. Ang baul ay gawa sa plywood na pinintahan ng dilaw upang kumintab at maging kamukha ng oak. May padlock pa ang baul.

Pagkaalis ng guard, nagtaka ako sa panauhin nang magtali siya ng straw sa magkabilang poste ng kanyang double deck. ‘Yon pala, gagawin niyang hangeran ng mga slacks, longsleeve, at polo. Ayaw ba niyang gamitin ang built-in closet sa kuwarto? Nilabas din niya ang plantsang de kuryente at nilagay sa gilid ng kanyang kama. Nakatulog na ako pero marami pa rin siyang binubutingting sa kanyang mga bagahe.

Umaga na nang nalaman kong Supirentendent pala ng Ifugao Province ang panauhin, ayon sa kanyang ID na nahuli ng aking paningin. Bakante ang kanyang kama noong umagang iyon.

Nagtungo ako sa banyo upang maligo. Naabutan ko siyang naglalaba sa lababo.

Naisip ko habang naliligo:

Tingnan mo nga naman. Kung may 30 bayan sa Ifugao, at kung ang bawat bayang iyon ay may 30 ring baranggay, nangangahulugang 900 prinsipal at 13,500 guro ang hawak ng maliit na taong ito na mahusay maglaba at may wirdong baul.

Advertisements

One thought on “Ang Tao sa Loob ng Baul

  1. Ikaw gayud, kadamo mon napapansin.

    Sabagay, sa edad ko na 54 kag sa kadamu-damo ko na man nga naabutan nga lugar sa Pilipinas para mag attend san National Conferences/Workshops (ang pinaka urhi sa Ecotech, Lahug, Cebu City sang Oct. 21-23)sani na nag-agi na bulan, amo pa man lang ako naka aram nga may tawo man gali o participant o nagabyahi pa syudad (hal. Manila) nga dara-dara an iya baul.

    Ginhunga ko si Papa mo kay si Kuya J.R. mo ang nakabasa sani nga blog mo. “Ano man nga klase san baul?” An sabat ni Papa mo: “Aw, di pareho san baul mo nga ginhatag ni Mama.” (Lola Consing mo). “Sus! Hamamani mo yon!”, an akon man sabat.

    Nagtararawa kami na nagakaraun kay ka ibahan man baya.

    Sabagay, san nag-eskwela man ako sa high school sang 1966 sa Masbate Colleges, Masbate, Masbate (Masbate City na yana), baul man an dara-dara ko hale sa balay (Pangui.)Kag amo man gad ang dararhon nga surudlan san mga bado lalo na kon dugay mag-uli.

    Pero, sa panahon ta na “computer age” na, an mga para byahe (“seasoned travellers”), kon pwede diutay na la gad an darhon o kon may bag na dara an medyo maayo man/bag-o o “branded”; masabi mo na “wierdo” ba an magdaran baul sa yana nga panahon?

    Sabagay, kon naanadan na, amo na gad ina, maski nano pa ang sabihon san iba.

    Kaya, gin basa ko gad ini na blog mo.

    Kag pareho ni Kuya J.R. mo, nakayuhum ako.

    Kaya ginsurat ko ini na komento.

    Kumusta na lang sa tanan kag kabay nga permi ka may isurat nga may maaraman man kami.

    God bless you and take care.

    Love,

    Mama

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s