Kung Bakit Cool ang mga Green-Minded

 

Deprived ako sa electric fan at aircon.

Plasbak muna…

Yari sa kahoy ang bahay namin sa probinsiya. BLISS ang tawag dito. Nabasa ko minsan sa HEKASI ang kahulugan ng acronym na ‘to pero hindi ko na matandaan. Ang clue: pabahay ito ng pamahalaan noong panahon ni Marcos.

May BLISS rin akong nadaanan sa Philcoa at Pag-asa na parehong nasa Kyusi pero moderno na ang mga iyon. Parang walk-up condo na mamamaga ang mga tuhod mo kapag nakatira ka sa ika-lima o ika-anim na palapag. Iyong BLISS sa amin, maihahalintulad mo sa BLISS ng Old Balara, iyong sa may likuran ng Maynilad. Hindi lang iisang gusali na tipong condo. ‘Yong sa amin, parang subdivision na pangprobinsiya- yari sa kahoy at yero ang bawat bahay. Medyo iniba lang nang kunti ang BLISS sa amin. May silong kasi ito. Ibig sabihin, naka-elevate ang sala at mga kuwarto. Tuloy, iyong iba naming neybor, ginawang kulungan ng itik, manok, at kalabaw ang kanilang silong.

May baka kaming alaga noon kaya lang masyadong mababa ang aming silong. Nasa bandang burol kasi ang aming bahay at mababa lang ang silong nito. Kaya ‘yong baka, sa gilid na lang ng bahay itinali. Mga itik at manok ang nasa aming silong. Kung itatanong mo kung paano ang amoy ng kanilang mga ipot, aba, malay ko rin. Hindi ko na maalala kung may naamoy akong hindi kanais-nais noong aking kabataan.

Maluluwang ang bintana sa aming bahay: kahoy (din) na dyalosi. Kaya kahit wala kaming kisame, presko ang hangin. At ‘yong silong din pala, gawa sa kahoy, at ang pagkakasalansan sa bawat tabas na troso, hindi dikit-dikit at may maliliit na siwang. Binibiliang ko nga noon kung ilan ang itlog ng aming mga manok habang nakadapa ako sa sala at nakasilip sa siwang. (Parang ngayon ko lang naalalang may maaamoy ka nga sa silong.)

Lumuwas ako sa Maynila para mag-kolehiyo. Noong kumukuha ako ng Arkitektura, palagi kong ginagamit ang aming bahay bilang modelo sa pagbuo ng isang nature-friendly na bahay. Green architecture ang tawag dito na iniindorso ng mga green-minded o fanatic ng green living. Sila ‘yong mga taong kapag nag-grocery eh nilalagay sa telang bag sa halip na plastik ang kanilang mga pinamili. Sila ‘yong mga taong nagdya-jogging sa Quezon Memorial Circle sa halip na magpamiyembro sa Fitness First kahit may pera naman.

Naipanukala ko minsan sa aking propesor na mainam ang naka-elevate na sahig, maluluwang na bintana, at mga siwang sa sahig upang dumaloy nang malaya ang hangin. Warm air falls while hot air rises, sabi nga sa Climatology. Dahil sa disenyo ng bahay, walang humahadlang sa natural na sirkulasyon. Tapos, puwede pang kulungan ng hayop ang silong. May instant pataba ka pa sa roses ni Grandma.

Ang problema lang, na hindi ko rin masagot kapag tinanong na ni Prop, ay kung pupuwede ba ito sa siyudad. At diyahe rin kung mag-aalaga pa ng itik o manok o kalabaw sa silong, tapos bibilangin ni Bunso ang mga itlog habang nakadapa’t nakasilip sa sala at nanonood ka naman sa iyong Plasma TV.

Advertisements

15 thoughts on “Kung Bakit Cool ang mga Green-Minded

  1. hahahahaha! ayos naman! ang presko kaya kapag ganun… kaso kung gawa naman sa kawayan ang florring! kakagulat baka mamaya may bigla na lang tutusok tusok!

    aylabgreen! kaya sige i’m green minded na rin! hakhak!

    Like

  2. salamat sa post na ‘to. lalung naging konkreto ang teorya kong mas masarap ang mamuhay sa probinsya at sa bahay na elevated.

    lol @ roses ni Grandma

    Like

  3. Ganyan bahay namin sa Baguio. Maaliwalas.

    Nakalimutan ko na rin yung BLISS… Nung high school sa QC na ako malapit sa VASRA.

    Sa syudad, kahit walang silong basta maaliwalas sa luob ng bahay. Go for green Neil! Kaakibat mo ako. 🙂

    Like

  4. Medyo matagal tagal bago ako nakadaan muli…akalain mong dami mo na palang viewers 🙂
    Galing mo kasi talaga magsulat at magkuwento.
    Why not nga, post mo pic ng bahay nyo…habang binabasa ko kasi, iniimagine ko na kung ano ang itsura nito…kakakaaliw!

    lab mo pala ang green, kaya pala nandito ka din sa opis, kompanya natin…kasi green ang color natin..pansin mo ba?

    Like

  5. That was WOW.^^ Ang galing mo magsulat.. inggit ako hehe. Umpisahan ko sa title kasi un ang una ko’ng tinitignan bago ko simulan ang pagbabasa, kahit sino naman eh, db… very catchy ang title, na-hook ako (green-minded kc ako lol). ^^ Ung term na “BLISS” sa totoo lang hindi ko alam kung ano yon pero dahil sa explanation mo at pagbibigay ng eksampol…. thank u, na-gets ko sya hehe. Habang nagbabasa ako may mga images ako’ng napi-picture sa isip ko like ung batang nakasilip sa siwang sa sahig ng bahay at nagbibilang ng itlog ng may itlog. Ang galing very effective. 🙂 kahit isang taon lng ako sa probinsya namin (at naexpiryens ko makalanghap ng usok ng siga, ewan ko kung bakit kailangan magsiga??)… i feel you hehe. At ang galing mo din magpromote! kahit purple lover ako, lab ko na din ang green!

    Like

  6. Hindi ko alam kung true blood green-minded individual pero habang binabasa ko ito ay naalala ko ang sinpleng buhay ko sa province..pangarap ko talaga na magkaron ng pawid na bahay at solar na panel ang source ng electricity…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s