Seatmate

Magkakalahating taon na pala akong nag-uuwian sa Calamba buhat nang magtrabaho ako sa publishing company sa Quezon City. Napapaisip ka rin, alam ko. Hindi na mabilang ang mga taong nagtanong sa akin kung bakit daw hindi na lang ako mangupahan sa Maynila. Kesyo mamumulubi raw ako sa pamasahe, hassle sa biyahe, malayo, putek, haggard, toxic, stressful, at ung anu-ano pang dahilang may resonableng basehan nga naman. Para lang hindi mapahaba ang usapan, madalas ko na lang irason na “Nagbabalak na nga akong maglipat sa susunod na buwan.”

Matagal ang biyahe papuntang Calamba. Sa mga oras na trapik sa expressway, ang umidlip habang nakikinig sa Lite Rock sa FM ang aking eskapo mula sa pagod, boredom, at antok. Pag hindi inaantok at tiyempong may showing sa TV ng bus, buong biyahe rin akong nanonood.

Ganito lagi ang eksena. Cycle, kumbaga. Paulit-ulit. Hanggang makasabay ko sa biyahe si Ma’am Nora, ang aming editor in chief, na tga-Calamba rin pala. Bilang entry level na empleyado, na-startruck akong makatabi ang isa sa mga bossing sa aming kompanya. Buti na lang approchable si Ma’am Nora, mabilis akong naka-adjust. Ilang sandali lang ang lumipas, marami na kaming napagtsikahan mula sa trabaho, trapik, hanggang pulitika.

Syempre, napag-usapan din namin ang tungkol sa pagbibiyahe mula Calamba patungong trabaho, vice versa. Tanong niya, “Hindi ka ba napapagod?” Sabi ko, “Hindi pa naman po.” Sagot niya, “Ok lang yan. Bata ka pa naman.”

Tinanong ko rin siya. Sagot niya, “Ah, oo. Eight years na akong uwian.”

Kinaumagahan, ipinakilala niya ako sa isa naming kaopisina. “Ito nga pala si Neil, ang bago kong seatmate sa bus.” Hanggang ngayon ay nagwa-wonder pa rin ako kung paano niya nalaman ang aking pangalan.

●●●

Sa ikalawang pagkakataon, nagkasabay kaming muli. Ganoon pa rin, usapan tungkol sa trabaho, trapik, hanggang pulitika. May ilang sideways din sa anak niyang a-attend ng JS Prom, mga bagong empleyado sa aming department, at kurso ko. Nilibre niya rin ako ng P87 na pamasahe mula sa Cubao. Todo tanggi ako. Nag-thumbs up lang siya habang habang nakangiti.

●●●

Minsang nag-overtime ako, inabot ako ng gutom. Alas siyete na iyon. Nag-take out ako ng halo-halo sa Manong Pepe’s, na katabi ng terminal, at pumuwesto sa bus. Nilalantakan ko ang halo-halo nang mapansin ko sa kabilang upuan si Ma’am Nora. Parang nabilaukan ako habang inaalok siya ng nangalahati ko nang halo-halo. “Ay, hindi ko po kayo napansin,” paliwanag ko. Ngiti lang siya; hindi nakapagsalita dahil may mga pasaherong nakapagitan sa amin. Nang naningil ang konduktor, mas nabilaukan ako nang muli niya akong nilibre sa pamasahe.

Nagkataong Biyernes noong araw na iyon. Maraming naka-standing position. May isang mag-asawang may karga-kargang tig-isang anak ang sumakay. Inalok ng isang pasahero ng upuan yung ale. Naiwang nakatayo ang mister na may kargang natutulog na bata. Malamang dalawang taong gulang.

Usad-pagong ang bus sa EDSA pa lang. Biglang inalok ni Ma’am Nora yung mister na siya na lang ang kakarga sa bata. Thank you ng thank you ang mag-asawa. Magdadalawang oras ding kalong ng aming editor in chief ang bata bago makarating ang bus sa Calamba.●

Advertisements

12 thoughts on “Seatmate

  1. swerte naman..,
    ganyan din byahe life ko noon.., Navotas to Pasig, Pasig to Navotas..
    minsan lang yung libre mode pag may nakakasabay na kakilala..,
    pero give & take naman.., sagot nya pamasahe ko.., sagot ko kwento buong byahe…

    .. (nakidaan lang, nakikoment pa…, hehehe=)

    Like

    1. for those who received an unexpected special treatment or attention’ please…”PAY IT FORWARD” in any amtter. nothing to loose. that’s the very special traits among us FILIPINOS. Buhayin nating muli and everyone will follow… Wag tayong mahiya!

      Like

  2. More than a boss, she’s a MADER to everyone. Sa walong taon naming magkasama sa trabaho, saludo ako kay Ms Nora. Kaya ako mismo ang magpapatotoo sa mga sinabi mo dito 🙂

    Like

  3. in fairness haggard talaga mag-uwian from quezon city to calamba…hay naranasan ko na din ang standing ovation from elbi to qc kaya hanga naman ako sa kabaitan ni mam.. hay sana nga lang mabuhay ulit ngayon ang ganyang values ng mga Pinoy..yung tipong, nagbibigay ng upuan lalo na ang mga lalaki sa matatanda,disabled, may kargang bata o sa buntis..kahit huling consideration na lang ang mga babae na paupuin..ganun din sana sa mrt at lrt na laging standing ovation ang mga pasahero,,..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s