Basahin Mo

Napaisip ako minsan sa imprenta ng isang T-shirt:

So many books, too little time.

Ako raw ang pinakamahilig magbasa sa aming magkakapatid. Noong kabataan ko raw, mas gusto ko pang magbasa ng Reader’s Digest kesa maglaro ng siyato, taguan, tumbang preso, at habulan. Ang ginawa ni Mama, bumili siya ng isang set ng Grolier’s Encyclopedia noong 1994. Ito raw kasi ang dapat gawin kapag ang bata ay nagpakita ng hilig sa pagbabasa, sa pagkatuto.

Binubuo ng 20 makakapal na librong glossy ang aming encyclopedia. Nainlab agad ako sa makukulay na larawan gaya ng iba’t ibang species ng hayop at halaman, sa iba’t ibang style of painting (kung Classicism ba o Baroque), sa iba’t ibang elements, at iba pang bagay na ibang iba sa stored knowledge na nasa utak ko na noong panahong iyon.

Sa pagdating ni Grolier sa aming sala, mas marami akong binasa. Mas maraming pagkakataong dinedma ko ang siyato at habulan.

Grade IV na ako nang bumili si Papa ng TV. Ito kasi ang patakarang inimpose ni Mama: aral muna bago maglibang. Ni minsan ay hindi ako nakapanood ng Batibot. Malapit na akong mag-haiskul nang mahumaling ako sa Sineskwela, Mathtinik, Apol-Epol, Bayani, at Hiraya Manawari ng Channel 2.

Ayokong sisihin ang pagkahilig ko noon sa pagbabasa pero nawiwirduhan ako sa aking sarili ngayon. Halos lahat kasi ng pwedeng basahin, binabasa ko. Hindi kumpleto ang ritwal ng pagpupupu kapag wala akong binabasa. Kapag nakaupo na ako sa bowl, dapat may binabasa akong libro o diyaryo. Kapag wala, pinagtitiyagaan ko ang label ng shampoo at sabon. Siguro, kung ingredients ng Pond’s, Head & Shoulders, at Safeguard ang quiz sa school, perfect ko: water, glycerine, ethyl alcohol, perfume, EDTA, Zinc Pyrithione….

May mga pagkakataong attached na attached ako sa binabasa ko. Gaya ng nobelang ‘The Good Earth’ ni Pear S. Buck. Highschool ako nang pinabasa sa akin ni Mama ang akda na ito ng isang Nobel Prize winner. (Hindi ko pwedeng sabihin ang salitang ‘nose bleed’ dahil naganap ito noong 1999, kung kailan balinguyngoy lamang, at wala nang iba, ang kahulugan ng nose bleeding.) Balik dun sa libro, habang nagbabasa ako, para akong pintor: naipipinta ko sa aking isipan ang mga eksenang kinukuwento ng awtor.

May mga pagkakataon namang papasok sa mata ko yung mga salita, tapos iuutot ko lang. Halimbawa nito ay noong pinabasa  kami ng aming prop sa Philisophy. Tungkol sa Mysticism ‘yung topic. Hanggang ngayon ay nami-mystify pa rin ako dahil parang walang pumasok sa kukote ko.

Hindi ko naman sinasabi na pagbasa at pagbasa na lang ang gawin natin. Simpre’y kakain, tatae, maglalaro, at magtatrabaho pa rin tayo. Ang sa akin lang, kapag natisod ka sa isang babasahin, at wala ka namang ginagawang importante, basahin mo lang. Pag nag-enjoy ka, OK. Pag hindi, ‘wag ka nang maglupasay dahil sinayang mo ang ilang minuto ng buhay mo sa walang katuturang libro o anupaman. Ang isang yosi nga, na proven na nagma-minus ng limang segundo sa itinatagal ng tao sa mundo, ay pinapatulan mo nang walang angal o kuwestyon. At saka, malay mo, biglang i-quiz sa’yo ang ingredients ng Pond’s at Safeguard.

Advertisements

11 thoughts on “Basahin Mo

  1. Base… sana.

    Mahilig din ako magbasa, pero sa pamilya namin, lahat kami mahilig magbasa. Sa katunayan kapag pumasyal ka sa bahay namin may isang kuwarto na tambakan lamang ng mga libro bukod pa sa mga libro na nagkalat sa sala. Hindi naman namin matawag na library yun kasi tambakan lang talaga sya ng kung anong anik anik. Tanda ko ang una kong nabasang libro ay Nancy Drew series kaya naman yun ang hilig ko ngayon: Adventure, romance. Sidney Sheldon types.

    Like

  2. Nais kung sisihin ang aking kabataan, ang aking kapaligiran at kung paano ako iminulat ng sa tamang edukasyon, alin ang tamang libro? Pero huli na para sisihin ko pa ang aking kinamulatan. Isa akong inakay na nakanganga lamang sa sasabihin ng aking mga guro. Doon lamang ako nakakakita ng libro, sa bahay wala.

    Kaya ngayon pa lamang ako nagbabasa, natututong bumasa, at sana nakakaintindi na ako.

    Maawa ka sa akin Neil, bilhan mo ako ng libro…

    Like

  3. sabi ko na nga ba, a good writer is a good reader too… according to sa researches and studies saka diba, logic narin, you can’t write if you don’t read…

    thumbs up sa article na to, i like it!

    Like

  4. Nag umpisa ako sa mga coloring books, pero hindi ako biniyayaan ng kahit anong artistic touch pagdating sa kulay. Taong 1998 ata kami ibinili ng nanay ko ng Grolier’s. 20-volume set na encyclopedia; 20-volume set ng children’s encyclopedia; 2-volume dictionary tsaka ung set na dictionary-thesaurus-computerbasics-spelling dictionary-nakalimutan ko yung isa. Siguro naawa saming magkapatid kasi pinagtitiyagaan namin ang mga lit books niya nung college at nahihirapang sagutin ang mga tanong namin lalo pag yung Spanish subjects na (kasi di ba dati required daw un?). Lumaki ako sa mills and boons, barbra cartland, reader’s digest at mga tagalog compilations ng mga kwentong kababalaghan at mga jose rizal na nobela.

    Nung bata pa ako (hanggang ngayon), pinipilit ko ang sarili ko na wag basahin ang isang salita pag nakikita ko. Pero imposible yun di ba? Automatic na pag nakita mo yung word eh binabasa na agad ng isip mo.
    Ngayon naman, bukod sa kanta ay ebooks naman ang pinag aadikan ko. pati sa telepono at ipod ko, pinuputakte ng mga libro. Masarap magbasa. Sabi nga, there is no frigate like a book.

    Like

  5. I remember one of the first books I read were Harold Robbins books which were full of sex scenes. 😦 Hahah, wala namang pakialam ang mom ko na yun ang binabasa ko. And I remember TRYING to read Pearl Buck’s The Good Earth when I was in grade school but talagang di ko na tapos. I’ll read it again.

    Books are one of the best things in the world. 🙂

    Like

  6. wahaha, magsama tayo…dahil ako pwedeng di lumabas ng bahay kahit isang buwan tambakan lang ng sangkatutak na libro… nagsimula ako sa mga komiks at bible stories hanggang sa mga fairytales at kung anu-ano pa… pangarap ko ngang magkaron ng sariling library…haays.
    tatlong libro kada linggo… hindi ko alam pero ganyan ako ka-adik sa mga libro.
    lahat yata, controversial novels to pulitzer prize authors…basta pwedeng basahin pinapatos ko.

    sa probinsya namin, ako yata ang pinaka-unang nakadiskubre na may municipal library kami, halos lahat ng libro, pinaka-una ang pangalan ko na nakasulat sa borrowers card nito…

    basta, di ko ipagpapalit ang pagbabasa ng libro.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s