Pagbabalik

Sabado ng umaga. Katatapos ko lang pakainin si Chiquito. Gulay ang ulam namin kaya pinagkasya ko sa kanila ni Miming ang left-over ng paksiw na isda na ulam namin sa nakaraang gabi.

Kinuha ko sa labas ng bahay ang nakasampay kong tuwalya para maligo. Nakatali si Chiquito sa aming laundry area. Tinitigan ako nang matagal ni Chiquito. Tapos kumahol siya. Nagitla ako dahil unang beses niyang ginawa iyon sa akin. Hindi siya huminto. Nagtaka ako kung bakit. Wala akong pang-itaas at nakasampay ang tuwalya sa aking leeg, pero maraming beses ko na siyang kinarga at niyakap na nakahubad ako. Luminga ako sa aking likuran, baka may napansin siyang kung anong pumukaw sa kanyang animal instinct. Wala. Ang napansin kong kakaiba ay ang matingkad na sinag ng araw na direktang tumatama sa kanyang mukha. Marahil nabulag siya ng sobrang liwanag.

Ako ‘to, Chiquito, gusto kong sabihin habang unti-unti kong nilalapit ang aking kamay sa kanya. Gusto kong ipaalala sa kanya na ako ang gumawa ng kanyang bahay noong tuta pa lang siya. Na mukha ko ang una niyang dinilaan gaya ng amang nakarinig sa unang salita ng kanyang bunso. Na ako ang matiyagang nagpainom sa kanya ng gatas at gamot noong nagkasakit siya. Na ako ang nagpapaligo at nagpapatae sa kanya.

Pero kinontra rin ako ng isang bahagi ng aking utak. Mula nang magtrabaho ako sa Quezon City, lagi na akong ginagabi ng uwi sa Calamba. Pag-umaga, umaalis akong hindi man lang nakakapagpaalam sa kanya na himbing na himbing sa pagtulog. Sabado at Linggo lang kami buong araw na magkasama. Ang ritwal ng araw-araw na pagpapatae sa kanya sa isang bakanteng lote sa subdibisyon ay unti-unting naglaho. Ang aming habulan sa park tuwing hapon ay tuluyang lumubog kasama ng mga araw. Ilang gabi rin akong tumatambay sa bahay ng aking ate sa Paranaque. Baka nga naglaho na ang amoy ng aking dugo sa kanyang memorya.

Hindi ko rin masisisi ang aking alaga kung bakit kinailangan ko pa siyang sigawan para lang kumalma at huminto sa pagtahol.

Noong isang araw, ibinalita sa akin ng mga kasama ko sa bahay na muntik nang makawala si Chiquito nang may dumating na bisita sa bahay. Gustung gustong mangagat.

Mamaya, dadaan ako sa pet shop para bumili ng butong pasalubong sa kanya. At bukas, Huwebes Santo, hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, ipapagunita ko kay Chiquito na nandito pa ako, ang pinakamatalik niyang kaibigan.

Advertisements

6 thoughts on “Pagbabalik

  1. Ako si Chiquito, hindi mo na ako matandaan Neil?

    Subukan mo akong palayain, huwag mo akong ikulong. Ayaw ko ng tanikala.

    Pahulagpusin mo ang aking kalayaan, huwag mong itanggi.

    Pagninilay

    Like

  2. awww. ganyan din minsan ang aso namin dito sa bahay eh. bigla ako tinatahulan. sabagay matagal rin kasi ako kung mawala. eh malay ko bang poor ang kanyang memory. kaasar!

    gusto ko na nga ata ikulong yung aso namin. ang landi landi! amp! hahaha!

    Like

  3. Kahit ang mga hayop pag matagal na hindi nakita ang mga nag-aalaga sa kanila hindi na rin nila kilala. Parang tao lang. Kahit araw araw mong kafacebook, kung hindi mo naman nakikita ng personal, pag nagkita kayo, parang estranghero nalang.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s