Penpen

This slideshow requires JavaScript.

Galing kayo sa Samar. Magbabakasyon daw kayo sa amin sa Calamba.

Makulit kang bata. Lahat ay gusto mong pakialaman. Madalas mong halughugin ang aking bag. Kinukuha mo ang aking ballpen, ang aking lunch box, ang aking kendi.

Trip na trip mo ring sabunutan si Miming. Bubungisngis ka, papalakpak. Ituturo mo ang nagkalat na balahibo ng pusa sabay sabing “Ngiyaw!”

Ang pinakagusto kong bonding natin ay ‘yong pagsakay mo sa aking paa habang ako’y nakahiga sa kama. Itataas ko ang aking paa, iuunat mo ang iyong mga kamay, at sabay tayong sisigaw ng “Suuupermaaan!”

Hindi ko alam kung bakit hindi ka takot sa alaga kong aso, habang ang ibang bata’y todo sa pag-ilag. Sinasamahan mo akong ilibot sa village si Chiquito, na kung tawagin mo ay “Kito.”

Tuwing gabi, nasanay na akong dumarating sa bahay na hinihintay mo. Bigla kang bubulalas ng “Kuya Neil.” Madalas kitang pasalubungan ng JellyAce. Madalas mo naman akong suklian ng kiss.

Noong Sabado, hinatid ko kayo ng Mama mo sa terminal ng bus para umuwi sa Samar. Ang bilis ng panahon. Ni hindi kita nabilhan ng stuffed toy, krayola, o Barbie. Maaalala mo pa kaya ako sa mga susunod na taon?

Advertisements

11 thoughts on “Penpen

  1. nakakawala ng pagod mga kidz.., lalo na pag extra bibo.. naalala ko bigla ung pinsan ko nung baby pa.., ngayon kase damulag na..=)..bilis kase ng panahon.

    Like

  2. Syempre maaalala.

    Hindi ko kayang ipaliwanag ito sa paraang sayentipik pero subukan kong ipaliwanag sa paraang alam ko.

    Noong ipinagbubuntis ng aking kumare ang kaniyang panganay na anak, lagi ko siyang kinakausap, hinihipo-hipo ang tiyan ni kumare, tapos nong lumabas na yong bata, ako daw ang unang nagkarga, then after a year or two, nakita ko ulit yong bata, ang bait niya sa akin, sinasalo-salo ko sa mall kapag namamasyal kami, halakhak naman samantalang yong ibang baby kapag nakikita ako, naiyak…nakikita yata yong sungay ko.

    Note: Hindi ako ang daddy ng bata…hindi talaga..pramis..hahaha

    Like

  3. waaah. namiss ko bigla ang pamangkin ko. teka nga’t mapuntahan siya sa bahay nila. hakhak!

    iba talaga ang mga bata. ang cute cute. lalo na kapag nagsasalita. ang sarap pisil pisilin at yakap-yakapin na parang stuff toys.

    yun nga lang minsan ang bilis nila makalimot. hindi ko lang nabisita si pamangkin ng isang buwan, di na niya ako kilala. waaaaaah!

    Like

  4. awww…sweet.. naalala ko yong pinsan kung bulilit, gustong-gusto ko sya kasi bibo at matabil, maraming tanong…basta tapos lumipat sila he was just 3 years that time, after 2 years, ang laki na nya, i thought di nya ko maalala pero sa lahat ng pinsan namin sakin sya unang lumapit..hahaha, napapangiti ako dito..basta.

    Like

  5. Sweet.Parang yung pamangkin ko lang din dati.=)

    Dati “nag-away” kami kasi makulit sya. Tapos pag alis ko, pupunta ng school, sabi nya, tita wait, you forgot something….

    Lumapit ako say kanya….tapos kiniss nya ko sa pisngi.

    Angelic.=)

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s