Math-tatakutin

Nag-ugat ang aking phobia sa numero, equation, at kung anu-ano pang may kinalaman sa Math nang maging titser ko si Ma’am Dulzura Balgos. Taong 2001 ito. Second year highschool ako.

Bago ko pa man siya naging titser, may reputasyon na si Ma’am sa pagiging terror. Wala akong ligtas dahil siya lang naman ang nagtuturo ng Math sa buong second year sa aming paaralan, unless mag-early retiment siya. Ang kaso, kahit nasa sisenta na ang aming titser, sinlakas pa rin siya ng tigre.

Sersyoso kaming lahat kapag nasa klase ni Ma’am. Magsisimula siya sa roll call. Tapos, ipapakopya niya sa amin ang mga sinulat niya sa board. Kapag tapos na kami, ididiscuss na niya ito. Lagi siyang tumatawag ng estudyante para sumagot sa tanong niya.

Isa sa paborito niyang tawagin sa klase ay si Isidrito. Si Isidrito ay transferee, galing siya sa Maynila at dalawang linggong late sa pag-enroll. Lagpas bente na ang edad ni Isidrito. Kami man ay nagulat nang malamang magiging kaklase namin siya.

Linear Funtion ang tinatalakay ni Ma’am nang tawagin niya si Isidrito. Tumayo naman si Isidrito, natatawa sa kanyang sarili, himas ng himas sa kanyang bigote na parang sisiw na hindi alam na nasa lungga pala siya ng isang tigre. Hindi rin namin mapigilang humagikhik. May isang estudyante sa likod na napalakas ang tawa kaya tumanggap ng matalim na titig at “What’s funny?” mula kay Ma’am.

Tinanong ni Ma’am si Isidrito kung saang point sa graph nag-intersect ang dalawang equation. Kung tutuusin, madali lang ang sagot. Sumagot si Isidrito. Nakalima o anim na attempt na siya pero mali pa rin. Hindi ko lang masabi kung talagang hindi alam ni Isidrito ang sagot o na-mental block na siya sa aming titser na nagsimulang magtaas ng boses.

Namula si Ma’am. Inulit-ulit niya ang tanong. Palakas nang palakas ang kanyang tinig.

“Saan nag-intersect ang linya, Isidrito? Saan nag-meet? Saan naghalikan? Saan nag-intersect?”

Sinabi ni Isidrito na hindi niya alam ang sagot. Mas tumindi ang galit ni Ma’am dahil lumalabas na niloloko lang siya nung isa. Patsambang sagot, kumbaga.

Tumitig nang matalim si Ma’am kay Isidrito. Naninigas ang panga at mahigpit ang hawak sa chalk na biglang nabali at tumilapon. Hindi namin inaasahan ang sunod na nangyari. Tumalon si Ma’am. Tumalon siya sa sahig – sa kinatatayuan niya. Nag-echo ang ingay ng kanyang takong sa buong klasrum. Narinig marahil ng titser sa kabilang silid kaya napasilip sa aming klase.

Itinaas ni Ma’am ang kanyang dalawang tikom na kamao. At sinabi niya kay Isidrito:

“Pakiramdam ko, kayang kaya kitang bitbitin at itapon mula dito sa second floor. Pakiramdam ko, kayang kaya kitang tirisin.”

Kahit limang talampakan lang ang taas ni Ma’am, noong hapong iyong, para siyang higante sa aming harapan.

Advertisements

3 thoughts on “Math-tatakutin

  1. Hindi ako mahal ng Sipnayan kaya lagi na lamang kulot ang aking grado nang ako ay magkolehiyo.

    Sekon yir kong guro si Mrs. Peralta, parang siya ang iyong inilarawan.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s