Isang Endangered na Pinoy

Papasok na ako sa trabaho nang hindi ko mahagilap sa bahay ang aking wallet. Hinalughog ko ang bahay pero wala pa rin. Hindi ko inisip na nawala iyon dahil dalawang buwan pa lang ang nakararaan ay nadukutan din ako ng wallet. Ayokong isiping, sa ikalawang pagkakataon ,ay naging tanga ako.

Ipinagpaliban ko ang paghahanap. Siguro dahil kampante akong walang malaking perang laman ang aking wallet. Ang tanging naroon ay ilang barya, mga inipit na payslip, kung anu-anong resibo, at ATM card na hindi aabot sa P50 ang laman. Kung mawala man siya, sabi ko, magre-renew na lang ako ng ATM card sa bangko.

Kinagabihan, nang magbukas ako ng Facebook, nakatanggap ako ng message mula sa isang nagngangalang Ronalyn. Nasa kanya daw ang wallet ko. Nagpalitan kami ng number.

Nang magkita kami, ipinaliwanag niyang napulot niya sa Road 20 ang aking wallet. Sabi ko, baka nahulog ko pagbaba sa dyip. Sinabi niyang wala akong contact info sa wallet kaya hinanap na lang niya ang pangalan ko sa Facebook.

“Buti’t merong Facebook-Facebook na ganyan,” sabi ng nanay niya.

“Kung iba ang nakapulot nito,” sabi ko, “baka tinapon na ‘to sa basurahan.”

Nagpasalamat ako at umuwi.

Kumpleto pa rin ang laman ng aking wallet – ang mga barya, payslip, resibo, at ATM card. Habang pauwi, dalawang aral ang tumatak sa isip ko.

Una, huwag tatanga-tanga.

Ikalawa, sa panahon ngayon, may mga natitira pang Pilipino na totoong mapagkakatiwalaan.

Advertisements

9 thoughts on “Isang Endangered na Pinoy

  1. Swerte! Yaan mo, dadating din ang araw na makakaharap ng taong walang kwenta, nanakawin ang wallet mo at hahayaang maligo sa dagat ng basura ang wallet.

    Like

  2. waw! kapatid ko ata yung nakapulot ah! ehhehe.
    talgang meron pa rin nmang mababait na nilalang dito sa mundong ibabaw..

    at na realized ko my silbi talga ang facebook! 🙂
    gandang araw neil!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s