Bata, Bata, Paano Ka Naging Bata?

Halos dalawang taon kong nakasama ang batang si Jaeru bago siya kunin ng kanyang nanay na naka-base na sa California.

Kapag dumarating ang package na padala ng kanyang nanay, halos laruan ang kalahati ng laman ng balikbayan box. Robot, baril-barilan, miniature action figure.

Madalas niyang ibida sa akin ang mga ito. Kapag tinanong niya ako kung ano ang mga nilalaro ko noong kaedad niya ako, hindi ko rin maiwasan ang hindi magbida sa kanya.

Matagal na panahon na ang 14 taong nagdaan, pero sariwang sariwa pa rin sa aking alaala ang mga laruang kinahumalingan ko noon.

Sa gobyerno nagtatrabaho ang aking mga magulang sa probinsiya kaya lumaki kaming magkakapatid na walang konsepto ng pagdi-demand.

Bukod sa mga larong alam kong pamilyar na sa’yo, gaya ng saranggola at trompo, usung-uso rin sa amin noon ang mga improvised na laruan. Ang aming baril-barilan ay gawa sa tangkay ng saging. Inaalisan namin ng dahon, tatantiyahin kung gaano kahaba ang barrel, kung alin ang dulo, kung saan idudugtong ang magazine. Maya-maya lang, may M16 na kami. Bukod pa sa saging, patok din sa amin ang luwad (clay) na hinulma sa hugis ng .45 at pinatuyo sa sikat ng araw.

Wala kaming remote-controlled na laruang kotse, eroplano, o speedboat gaya ng nilalaro ng mga bata at feeling bata sa ngayon. Improvised pa rin ang amin. Sa paggawa ng bangka, manu-mano kaming naghahanap ng kahoy, madalas eh yung galing sa kapok o iba pang magaan at malambot na puno para lumutang sa tubig. Kinakabitan namin ito ng makukulay na layag gaya ng sa vinta. Minsan nga’y nag-eksperiment kaming gumawa ng catamaran dahil sa udyok ni Mama pagkatapos mapanood ang Waterworld.

Gawa naman sa lata ng gatas o pineapple juice ang aming mga trak-trakan. Nilalagyan namin ito ng gulong na yari sa lumang tsinelas. Tatalian ng nylon cord sa nguso at saka hihilain palibot sa baryo.

Wala kaming helicopter. Kumplikado na iyon. Ang pinaka-hitech na nagawa kong laruan noon ay speedboat na yari sa ice chest. Fan na fan ako noon ni James Bond kaya ginaya ko sa kanyang speedboat ang disenyo ng speedboat ko. Pinintahan at pingalanan ko itong Thunder gamit ang watercolor ko sa MAPEH. Ang puwet nito ay nilagyan ko ng dynamo na galing sa sirang casette player. Humingi ako ng lumang baterya kay Lola, ikinabit sa dinamo at saka pinanood ang aking speedboat na humarurot sa tubig ng sapa.

Noong pinasalubungan kami ng tito kong pulis ng isang laruang kotse na de remote, ang kuwento ni Mama, binaklas daw namin ito ni Kuya. Namangha raw kasi kami sa pulang ilaw nito na kumikislap-kislap sa loob.

Advertisements

8 thoughts on “Bata, Bata, Paano Ka Naging Bata?

  1. May puna na, ngayon pa lamang.

    Simple lamang ang buhay sa probinsya, mas abot ang pangarap sa kulang o nawawalang pangangailangan.

    Lika, bilan kita ng remote controlled car.

    Like

    1. first time ko po dito, ganun din po ako nakarelate ako ng sobra. ang magpalipad ng saranggola, track na gawa sa lata, speed boat na hindi di-baterya kundi lollipop stick o popsicle stick na paiikutin sa goma na nasa puwitan ng sinirang ice chest.

      ang galing di ba.

      simple ang buhay sa probinsya, may kapayapaan at kuntento.

      salamat po

      Be blessed sir.

      Like

  2. haha.. naalala ko ito noon nung gumagawa kami ng mga laruang bangkang papel at minsan naman mga bangkang gawa sa styro. haha. i miss my old days. tuwing umuulan at naliligo sa ulan ng nakahubad. hahaha..

    Like

  3. hahahah siraniko-paglaki mekaniko. (iba ang minemekaniko lol)

    ganyan din ako dati. lahat ng laruan ko na de-takbo sa baterya, kinakalas ko ang mga dynamo at ginagawang electric fan. haha

    nakakamiss ang mga laruan nung pagkabata ano?

    Like

  4. haiii sarap bumalik sa pagkabata!
    ano laruan q dati? hm..mjo wla ata akong hilig sa laruan nun eh ang hilig q eh ang maglaro kasama ng mga kalaro q! ehehhe..

    preho tayo ng theme ah! 🙂

    Like

  5. nakakamiss talaga ang childhood days.. nagpapasalamat naman ako at normal at kumpleto ang kabataan..naranasan kong maglaro ng langit-lupa, bahay-bahayan, luto-lutuan, treasure hunting, layas-layasan, maglaro ng manika at paper doll, piko, ten twenty, Taguan, agawan-base, luksong tinik, tumbang preso, piko, shato…ang tanging usong electronic game lang noon ay brick game..hay sana uso pa din yan sa mga kabataan ngayon kaso meron nang PSP, computer at game boy..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s