Mayo


Noong Mayo 1996, magkasabay na idinaos sa aming baryo ang Flores de Mayo at Katisismo. At dahil debotong Katoliko si Mama, isinali niya ako. Nasa 20 kaming lahat – mga batang lalaki at babaeng may edad na 9 hanggang 12 na nagtipun-tipon sa maliit naming kapilya araw-araw sa loob ng isang buwan.

Pagkatapos mananghalian, nagbibihis kami ng puting damit at naglilibot sa baryo para maghanap ng bulalak na iaalay sa birhen. May malaking puno ng kalatsutsi sa aming bakuran. Madalas ko itong inaakyat para may madala akong bulaklak sa kapilya. Pinupumpon ko ito sa aking damit.

Sa kapilya, tinuturuan kami ni Manay Edith ng mga aral ng Bibliya. Nagdarasal kami nang sabay-sabay. Ang mga batang babae ay pumipila sa tapat ng altar habang nagsasaboy ng mga talulot ng bulaklak at kumakanta ng “Ave Maria.” Madilim na kami nakakauwi ng bahay. Amoy kalatsutsi ang buo kong katawan.

Sa huling Linggo ng buwan ng Mayo, idinaos ang Unang Komunyon. Sa unang pagkakataon, mangungumpisal kami sa pari at kakain ng ostya. Kabado kaming lahat. Para hindi mabawasan ang kaba, pinagpraktis kami ni Manay Edith. Ipinalista sa amin ang aming mga kasalanan.

Ganito ang pormulang pinasundan sa amin:

Sa ngaran san Diyos Ama, Diyos Anak kag Diyos Espirito Santo.

Padre, patawada po ako san akon mga nahimo na kasal-an. (Dito sasabihin ang mga kasalanan.)

Piling-pili ang mga nilista kong kasalanan. Baka kasi isumbong ako ng pari sa aking mga magulang.

Narinig ko rin sa ibang bata na kapag kinain na namin ang ostya, pakiramdaman daw namin kung dumikit ito sa aming ngalangala. Kapag nagkaganoon daw, hindi pa kami napapatawad ng Diyos.

Para akong nasa death row nang magsimula na ang kumpisal. Naroon sina Mama at aking mga kapatid, pinapanood ako sa altar. Tagaktak ang aking pawis. Muntik ko nang nakalimutan ang aking mga sinaulo kaya napatagal ang pagluhod ko sa paanan ng pari.

Nang magkomunyon ako, napansin kong nalawayan ng batang nasa unahan ko ang daliri ng pari, tuloy, nagdalawang-isip ako kong kakainin ko ba iyong ostya o hindi. Hindi ko nginuya ang ostya, baka dumikit sa aking ngalangala. Hinayaan ko itong matunaw sa aking dila.

Advertisements

9 thoughts on “Mayo

  1. naalala ko kasali ako dati dito. naka polo ako ng gray at pants na grey. mga 4 years old ako.

    extra kung baga sa pinsan ko at sa kuya kong nakapang-abay na outfit.

    nakakmiss

    Like

  2. nice. nakarelate ako.
    dahil diyan, ingat na ingat ako sa pagkain ng ostya.

    kainis na catechism titser yun, limot ko na nga pala name niya. buti ikaw tanda mo pa.

    Like

  3. Hindi malinaw sa aking alaala ang huling kumpisal ko. Mahigit sampung taon na rin kasi akong tumiwalag sa Katolisismo. Hmn.

    Neil Pare, wala. Wala lang. Ingat lague. Hay.

    Like

  4. wow ang ganda po ng bahay nyo.

    naalala ko po nung una akong nangumpisal. hindi pa po ako nakakapagsabi ng kasalanan sa pari biglang..

    “pinapatawad ka na ng Diyos”

    ang bilis.

    pagod na po ata kasi ang pari.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s