Graduation Treat

April 27, 2009.

Pagkatapos ng graduation ceremony ko sa UP, tumuloy kaming tatlo nina Papa at Mama sa Trinoma para kumain. Sa dyip pa lang, nabasa na kami ng ulan. Putikan na rin ang makintab kong sapatos.

Tinanong nila ako kung saan kami kakain. Naisip kong bibiyahe pa sila pauwi ng probinsiya kaya niyaya ko na lang sila sa Jollibee. Nag-order kami ng hapunan: fries at burger para kay Mama, burger steak at kanin para kay Papa, at dalawang drumstick at kanin naman para sa akin.

Noong grumadweyt ako sa haiskul, nagpakatay ng baboy si Papa sa probinsya. Humigit kumulang sandaan ang bisita ko. Pero ngayon, tatlo lang kami – napapagitnaan ng mga di kilalang mukha, ingay, at amoy.

Tinupi ko ang aking sablay at ipinatago kay Mama. Habang kumakain, ingat na ingat akong hindi matapunan ng gravy ang suot kong barong.

Iyon ang pinakamasarap na pagkain sa buong buhay ko.●

Advertisements

14 thoughts on “Graduation Treat

  1. congrats sa paggraduate, fellow isko. naghihintay ang tunay na mundo sa iyo…good luck.

    nung grumaduate kami taong 1997, hindi kami nakasablay. gustuhin ko man magsablay, di yun ang nanalo nang magbotohan kami…kaya nakatoga lang kami. ang korni. pangarap kong makapagsuot ng sablay…sana… 🙂

    Like

  2. nung grumaduate kami taong 1997, hindi kami nakasablay. gustuhin ko man magsablay, di yun ang nanalo nang magbotohan kami…kaya nakatoga lang kami. ang korni. pangarap kong makapagsuot ng sablay…sana…
    +1

    Like

  3. Nung high school din ako, hindi naman nagpakatay ng baboy, manok lang. haha
    Pero nung college, kaming mag anak lang ang nagdinner sa labas. Astig din naman kasi puro yung mga kakaibang putahe ang inorder namin. Mga hindi kayang ipronounce, kaya ang kinalabasan, hindi rin namin makain.

    Congrats neil! Alam ko bahay niyo! Dadayo ako! haha

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s