Dugong Colorless

1995.

Buhat sa Maynila, nag-uwi si Papa ng bagong bike na BMX. Iyon ang una naming sasakyan.

Nagbiro si Mama tungkol kay Papa, “Sa wakas, makakapag-drive na rin ng totoong sasakyan ang Papa ninyo.” Lumaki raw kasi sa bukid si Papa. Araw-araw na nakasakay sa kalabaw.

Doon ko unang nalaman na hindi marunong mag-bike si Papa. Noong araw ding iyon ng kanyang pagdating, si Papa na isang prinsipal na namamahala ng dalawampung titser at nakapagturo sa daan-daang estudyante, ay sumampa sa bike at nag-aral magmaneho.

Bago magdilim, ilang beses na sumadsad sa lupa at batuhan ang tuhod at siko ni Papa. Bumaluktot din ang upuan ng bike.

Kapag nasa opisina si Papa, solong solo namin ni Kuya ang bike. Si Kuya ang nagmamaneho. Nakaangkas naman ako, yakap-yakap ang kanyang likod. Grade 5 siya noon; Grade 3 ako.

Tuwang tuwa ako kapag nauunahan namin ang mga kaklase kong naglalakad sa higway papunta sa eskwela at pauwi sa kanilang bahay.

Kahit marunong na akong mag-bike nung mga panahong iyon, ayaw ni Mama na humahawak ako ng manibela lalo na kapag nasa highway.

Kapag abala si Kuya sa paghahanap ng gagamba o pamimingwit sa ilog kasama ng kanyang mga kaibigan, solong solo ko ang bike. Ipinupuslit ko ito lingid sa kaalaman ni Mama. Nakikipaghabulan ako sa mga dambuhalang trak sa highway.

Nang makaranas ng El Niño ang Pilipinas, pinakabitan ni Papa ng sidecar ang aming bike para magamit sa pag-igib. Tuyong tuyo noon ang mga balon at poso na malapit sa aming bahay. Bumili si Papa ng maraming balde at container (patapong lalagyan ng mantika) para paglagyan ng tubig na ikakarga sa sidecar. Nagpatulong kami sa malalaki naming pinsan sa pag-igib. Malayo ang balon sa amin. Halos isang kilometro. Tatahak muna sa highway tapos liliko sa maputik na daan sa gitna ng mga palayan.

Ang aking mga pinsan ang nagtitimba at nagkakarga. Si Kuya ang nagmamaneho. Nakasakay naman kami ni Jude (bunso kong kapatid) sa sidecar; hinahawakan namin ang mga balde para hindi matapon. Kapag matarik ang daan, bumababa kami ni Jude para itulak ang sidecar.

Minsang wala ang aming mga pinsan, nag-igib kaming tatlo nina Kuya at Jude. Ako ang nagtimba. Si Kuya ang nagkarga at nagmaneho. Sumakay ulit kami ni Jude para hawakan ang mga balde. Nang mapagawi kami sa paakyat na daan, ako na lang ang nagtulak para mahawakan ni Jude ang mga balde.

Nasa highway na kami nang mawalan ng kontrol si Kuya sa manibela. Hindi ko na maalala kung may iniwasan siyang trak, o hindi kumagat ang preno. Basta’t nagising na lang akong umiiyak habang nakadapa sa kanal. Tumilapon si Kuya sa malayo, namumutla. Basang basa ako ng tubig na nabuhos mula sa mga balde. Nasa aking tabi si Jude. Hindi siya basa pero nakadagan sa kanya ang mga container ng tubig, at ang buong bike at sidecar na nakataob sa kanyang likod. Wala siyang malay.

Mabilis na naghilom ang mga galos namin ni Kuya, pero natagalan bago gumaling ang pilay ni Jude sa likod.

Advertisements

12 thoughts on “Dugong Colorless

  1. ang bike bow! ehehe

    ako never na nagka bike, cguro hnd nman aq mhilig xdo duon! mas masarap umangkas! ehehehe. at sa tgal ko ng hn nagbibike im sure hnd na ako marunong 😦

    bagong dmit kuya neil! ;0

    base pla! ehehe

    Like

  2. Akala ko si Pong din ang may-ari nito. Pareho kasi kayo ng damit. Sa Baclaran ba ito binili?

    Igiban at Disgrasya.

    Masarap magbisikleta sa maluwag na daan, masarap gumulong kapag magaan ang buhay

    Inlab? 🙂

    Like

  3. bro, nice ng blog layout mo nga yon ah! astig ng kwento ng buhay!! talagang may pag iigib pang naganap hehe. di rin ako nalalayo sa kwento mo lalo na sa BMX nagkaroon din kami nyan yun nga lang nakikisabit lang din ako sa kuya ko!~ ^^ at paminsan minsan itinatakas ko din ang bike hehe pero ng malaunan binilan nadin ako ng para sa sarili ko!

    sarap bumalik sa ganung sitwasyon hindi kumplikado ang buhay, napaka ordinaryo hindi pa uso ang cellphone at text heheh.

    Like

  4. Oks na oks ang BMX. Naalala ko pa (not too long ago hehe), I used to skip breakfast para lang mag-bike gamit ang aking bagong-bagong BMX. Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ko at nag-bike ako directly over the street na napapaibabawan ng lumot. Ay sos….butas ang pajama ko nun!

    Like

  5. wooh..

    kinabahan ako sa ending.. grabe. sa gitna pa lang binilisan ko na pagbabasa para malaman anong nangyare sa aksidente

    T_T

    buti ok na lahat.

    bike na naman…

    ayoko ng bike di ko madunong paturo kuya neil!

    Like

  6. ako din ilang beses napahamak sa bike. one time muntik pang maputol yung daliri ko dahil sa bike. hehe. 🙂

    sa lahat ng sugat o pilay na gawa ng bike, gagaling at maghihilom din. ang mahalaga, natuto tayo. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s