Role-play

Nag-role-play tayo:

Ikaw ang reyna

at ako ang alila.

Meron tayong palasyo

sa ibabaw ng kama,

at ang ating kaharian

ay niliblib ng seradura

ng iyong apartment

na nakatanaw sa EDSA.

Napagod tayo buong gabi

at naging dilig ang ating pawis

sa tigang na taniman ng paligid.

Nagpasabog ng kanyon sa langit

ang ating sambayanan.

Ngayo’y ipipinid ko ang pinto.

Bababa ako sa gusali.

Iiwan kitang nahihimbing

bago pa dumating ang hari.

Advertisements

4 thoughts on “Role-play

  1. ๐Ÿ™‚ . Parang tula, parang hindi. Parang kanta ng pag-ibig. parang mga batang naglalaro. Visit mo blog ko. I added you na. E.add mo rin ako.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s