Kung Paano Dapat Magmahal ng Isang Kuya

Let’s talk about, ahem, love.

Pero hindi po ito ang tipo ng pang-telenobelang love. Tungkol ito sa aking mga alaga: si Chiquito na isang aso at si Miming na isang pusa.

Pet History 101 muna tayo.

Mas nauna kong naging alaga si Miming. Four years ago yun. Sa Laguna pa ako nakatira that time. One year after, dumating naman si Chiquito, maliit pa siya nun. Pagka-kyuuut na kyuuut na tuta. Lumaki silang parang magkapatid: si Miming ang kuya, si Chiquito ang bunso. Nang grumaduate na ako sa college at nalipat sa Quezon City para magtrabaho, obkors, kasama ko rin silang nag-migrate.

Puti at itim ang ugali ng dalawang ito: suplado si Miming, malambing naman si Chiquito. Si Miming yung tipo ng pusa na kapag tinawag mo ay once in a blue moon lang kung lumingon. Pero si Chiquito, kahit hindi na kyuuut dahil naging matapang na bakulaw na, ay napakalambing naman. Mahilig siyang makipag-wrestling sa akin pagdating ko galing sa trabaho, habang abala naman si Miming sa ibabaw ng ref sa pag-go-groom ng kanyang sarili.

Madalas ay kinukulit ni Chiquito si Miming para maglaro, na susuklian naman ni Miming ng aburidong kalmot.

Kagabi, nakipag-away si Miming sa mga pusang gala sa aming bakuran. Hindi mapakali si Chiquito habang naririnig niya ang mga ngiyaw ni Miming sa labas. Nang pumanhik sa bahay si Miming, sugatan siya. Puno ng kalmot ang katawan. May mahaba ring kayas sa pisngi, ilang milimetro lang malapit sa mata.

Sumampa sa sofa si Miming. Pinunasan ko ang kanyang katawan. Namantsahan ng dugo at putik ang maputi niyang balahibo.  Naisip ko, “Tatalab kaya sa kanya ang isang kapsula ng Advil? May betadine pa kaya sa first aid kit?” Sa mga sandaling iyon, palakas nang palakas ang atungal ni Chiquito. Sumampa rin siya sa sofa at sinabayan ako sa marahang pagpunas sa katawan ng kanyang kuya… gamit ang kanyang dila.

Advertisements

12 thoughts on “Kung Paano Dapat Magmahal ng Isang Kuya

  1. Ang tamis! Nakakamiss tuloy yung alaga ko na pusa. Napulot ko lang yun sa palengke nung musmos pa lang sya. Tapos nung nagdalaga, nawala na lang bigla.

    Hanggang ngayon di pa rin alam ang dahilan ng kanyang pagkawala. 😦

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s